‘LETHAL INJECTION’ SA MAPAGSAMANTALA -SOLON

PARA kay Senador Christopher Lawrence “Bong”Go, gusto niyang bigyan ng lethal injection ang sinomang nagpapakalat ng mali (fake news) at nagsasamantala sa gitna ng krisis na kinahaharap ng bansa sa pandemya.

“Yung mga nagsasamantala dyan habang naghihirap na nga ang kapwa nating Pilipino, dapat kayo unang ma-inject (ng lethal injection),” ang pahayag ni Go.

Sinabi ni Go na susuportahan niya ang panukala na magpaparusa sa mga indibidwal na nagpapakalat ng maling impormasyon at nagsasamantala sa vulnerabilities ng Pilipino sa kasalukuyang COVID-19 pandemic.

“Kung walang katapusan ang pagdududa, as legislators, why don’t we legislate a law against those who are taking advantage of the situation, especially now that we are in a pandemic,” ayon sa senador.

Idinahilan ang maselang isyu kung saan ay maraming buhay ang nakataya, sinabi ni Go na ang mga taong nagsasamantala sa kapwa Pilipino sa pamamagitan ng pagpapakalat ng maling impormasyon ay dapat mapatawan ng mabigat na parusa o death penalty.

“Ikulong o isama sa death penalty – mauna sila na ma-injection — (through) lethal injection. This is a very delicate subject matter, in fairness to all those working hard, such as Sec. Galvez and Sec. Duque who are working 24/7 and are even willing to vaccinate themselves to allay fears,” ani Go.

Sinabi rin ng mambabatas na ang bawat ay isa dapat maging bahagi ng solusyon kaya kinakailangang maging responsable kung nais nating makabangon mula sa pandemya. (ESTONG REYES)

114

Related posts

Leave a Comment