LIBO-LIBONG bisita ang dumagsa sa J Castle Theme Park sa Tanauan, Batangas upang saksihan ang kanilang “Dreamers: The Nighttime Spectacle of Lights” Grand Christmas Tree Lighting at 3D Digital Projection Premiere.
Maagang sinalubong ng pamunuan ng J Castle, ang pinakamalaking immersive park sa bansa, ang Christmas season sa pamamagitan ng grand fireworks display at Christmas tree lighting sa mahigit sampung ektaryang amusement park.
Mistulang Disneyland ang handog na lights, music, at magic ng J Castle, lalo pa’t si Ms. Maja Salvador ang nag-MC sa gabi ng selebrasyon. Libo-libong dumalo ang namangha sa Grand Christmas Tree Lighting, Fireworks Display, at 3D Digital Projection Premiere ng “DREAMERS”, kung saan tampok ang iba’t ibang paboritong characters.
Ayon kay Kathryn Gonzalez, Marketing Officer at PR ng J Castle, ang bagong evening show na DREAMERS ay nagbibigay-buhay sa story of imagination gamit ang lights, music, at makukulay na visual effects.
“Every dream begins with a vision — and now, you can experience it for yourself,” ani Gonzalez, kasabay ng pahayag na tuloy-tuloy ang development sa loob at labas ng park.
Binanggit din ni Gonzalez na may mga nakalatag pang proyekto para sa kasiyahan ng sambayanang Pilipino, kaya hindi na kailangan pang bumiyahe sa ibang bansa para maranasan ang mala-Disneyland na karanasan. Kasama dito ang planong pagtatayo ng multi-storey hotel upang ma-accommodate ang dumaraming bisita, pati na rin ang pinakabagong amusement rides kabilang ang pinakamabilis na roller coaster sa bansa, na nakaharap sa Taal Lake.
Subalit ang isa sa mga tampok ng J Castle ayon kay Gonzalez ay ang mababang entrance fee, kaya ngayong panahon pa lang ay dagsa na ang mga nagpapa-book para sa kakaibang Christmas adventure.
(JESSE RUIZ)
71
