LIBONG PASAHERO STRANDED KAY ‘KABAYAN’

LIBO-LIBONG pasahero ang na-stranded sa iba’t ibang pantalan sa Central Visayas nang kanselahin ng Philippine Coast Guard ang biyahe ng mga sasakyang pandagat dahil sa Bagyong Kabayan.

Sinabi ni Commander Mark Mariano ng Philippine Coastguard Central Visayas, mayroong higit sa 300 pasahero ang natengga sa iba’t ibang terminal.

Samantala, mayroong 41 rolling cargoes at 31 na sasakyang pandagat ang pansamantalang inilagay at sumilong muna sa mga ligtas na lugar.

Nakipag-ugnayan na rin ang PCG sa mga lokal na pamahalaan upang mapangalagaan ang mga ito.

Ang lahat ng mga probinsiya sa Central Visayas ay nasa ilalim ng signal number 1 ng bagyo ‘as of 8 am’ nitong Lunes, Disyembre 18.

(NILOU DEL CARMEN)

263

Related posts

Leave a Comment