MAG-AALOK ng libreng sakay ang Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) at ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa lahat ng mga pasahero sa ilang oras sa Martes, Disyembre 30, 2025 bilang paggunita sa Araw ni Rizal.
Ang libreng sakay sa LRT-2 at MRT-3 ay iaalok mula alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga at mula alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi, ayon sa anunsyo ng pamunuan ng dalawang rail transit noong Sabado.
Idineklara ng Malacañang ang Disyembre 30 o Araw ni Rizal bilang isang regular na holiday.
Ginugunita ang Araw ni Rizal — ang anibersaryo ng kamatayan ng pambansang bayani na si Jose Rizal na namatay noong Disyembre 30, 1896 sa pamamagitan ng firing squad sa Bagumbayan (Rizal Park) dahil sa krimen ng paghihimagsik laban sa Spanish colonial government.
(JOCELYN DOMENDEN)
82
