LIBRENG SPEEDBOATS, BIGAY NG BOC SA PNP

DALAWANG bangkang de motor ang inihandog ka­makailan ng Bureau of Customs – Port of Zamboanga sa Philippine National Police (PNP) na katuwang ng kawanihan sa pagbabantay ng mga karagatan sa katimugan kung saan karaniwang ibinabagsak ng mga piratang dagat at smugglers ang mga kontrabandong pilit na ipinupuslit sa bansa ng mga smuggling syndicates.

Sa ginanap na pagtitipon ng BOC-POZ kasama ang mga stakeholders, pormal na isinalin sa pangangalaga ng PNP Maritime Group ang Deed of Donation na nilagdaan nina Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero at PNP chief General Dionardo Carlos ang dalawang bangkang de motor na nakumpiska ng kawanihan sa isang sindikatong tinugis bunsod ng mga iligal na aktibidades sa karagatang sakop ng Zamboanga.

Binigyang pagkilala rin ang PNP maritime Group at iba pang stakeholders bunsod ng kanilang kontribusyon sa isinusulong na kampanya ng BOC laban sa smuggling syndicates.
Kabilang naman sa nanguna sa naturang pagtitipon sina District Collector Segundo Sigmundfreud Barte, Jr. at Lieutenant Colonel Mohammad Khan Kamlon mula sa Regional Management Unit 9 ng PNP Maritime Group.

Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Barte na ang mga sasakyang pandagat ay makakatulong para sa anti-smuggling activities at magbi­bigay ng suporta sa partner agencies na mangangailangan ng tulong mula sa BOC. (BOY ANACTA)

176

Related posts

Leave a Comment