PATULOY na dumarami ang galit na galit sa CONVERGE ICT SOLUTIONS INCOPORATED dahil sa madalas na pagkawala ng signal o patay sinding internet connection nito.
Batay sa nakita ng PUNA sa Facebook Page ng kumpanya ‘as of today Enero 15, 2021 lamang nasa 1.6 likes, 2.3k comments at 1.1 shares na at patuloy pa itong dumarami.
Kabilang sa mga PUNA ng netizens:
1. “Ngenye ilang araw nang mawawala tas babalik, ano ka crush namin? HAHAHAHAHAHA!”,
2. “Bakit parang araw-araw na?”;
3. “Follow up ticket 004511679! Still no connection, RED LOS lights. Second time this happened this month and it’s only January.”;
4. “Halos everyday na ah, alam nyo namang may mga online classes”;
5. “Grabe Caloocan ulet? anu meron ba jan Converge?”;
6. “No internet connection again since last nyt, Caloocan area”.
7. “NAKAKAGAGO NA PO KAYO TAPOS KELANGAN BUO BAYARAN? AYUSIN NYO TO!
8. “Ireport kay duterte yan..sa umpisa lang pabida.”
9. “Converge ano po? Magbabayad lng kami ng bill ngaun ng January. Ilan lng na consume namin plagi lng po kau walang connection.”
10. “COULD YOU GUYS PLEASE GIVE US AN UPDATE REGARDING ON THIS? ARAW ARAW MAY OUTAGE ANU TO? HABIT NYO NA MAGKAROON NG OUTAGE? WTF.”
Ilan lang yan sa libu-libong subscribers ng CONVERGE ICT SOLUTIONS INCORPORATED na nagrereklamo at galit na galit sa patay sinding signal ng kanilang internet.
Ang hindi pa maganda sa kumpanyang ito na nakita ng PUNA ay ang kanilang paglalabas ng service advisory na laging huli.
“CONVERGE SERVICE ADVISORY” We detected connectivity issues affecting our subscribers in Caloocan City at 12:53 PM of January 13, 2021. If you belong to the affected area, a service ticket is not required. Our technical team is already working to resolve the issue in the soonest possible time and have your connection restored.
We apologize for any inconvenience this may have caused. Please visit this Facebook Page for update.
For more infomational videos, please subscribe and watch on our Youtube channel https//bit.ly/ConvergeOnYT.
Napansin ng PUNA sa kanilang advisory na January 13, 2021, Miyekoles 12:53PM pero ipinost nila ito sa kanilang Facebook Page ay Miyerkules din pero 2:45PM na.
Napapansin ng kanilang subscribers na lagi na lang huli kung magsabi ang kumpanyang ito kung anuman ang kanilang gagawin na labis na nakakaapekto sa mga nakakabit sa kanila ng internet.
Maraming nangangailan ng internet ngayon lalo na at nasa pandemya ang buong bansa. Tapos sasabayan pa ng problema na dulot ng CONVERGE ICT SOLUTIONS INCORPORATED.
Hindi na nakakatuwa ang ginagawa ng kumpanyang ito. May reklamo sa kanila sa pagbibigay ng kanilang monthly bill dahil iniipon ito hanggang sa umabot ng tatlong buwan pataas bago ito ini-email sa kanilang subscribers.
Maraming napeperwisyo sa hindi maayos na serbisyo ng kumpanyang ito kaya dapat sa kanila ay mabigyan ng leksyon. Nariyan ang maraming naka-work from home tulad ng mga call center agents, mga estudyante na may online classes mula elementary, high school, senior high hanggang college at virtual meeting ng mga kumpanya.
Kung hindi na kaya ng kumpanyang ito ay mas makabubuting ipasa na lang nila sa ibang kumpanya na makakapagbigay ng maayos na serbisyo.
Hindi dapat ito palagpasin ng gobyerno dahil maraming tao ang kanilang piniperwisyo na umaasa ng kanilang internet. Kahit na hindi maayos ang kanilang serbisyo sa kanilang subscribers ay hindi naman nila binabawasan ang bayad ng monthly bills ng kanilang mga kliyente. Tsk! Tsk! Tsk!
Dapat magkaroon ito ng congressional inquiry para sagutin ng CONVERGE ICT SOLUTIONS INC. kung kaya pa nilang magserbsiyo o hindi sa taumbayan, bwisit!
Binibigyan natin ng pagkakataon ang CONVERGE ICT SOLUTIONS INC. sa pahinang ito kung gusto nilang sagutin ang reklamo laban sa kanila.
oOo
Para sa suhestiyon at reaksyong mag-email joel2amongo@yahoo.com at operarioj45@gmail.com o mag-text sa 0919-259-59-07.
211
