Lider, 3 tauhan napatay BONILLA KFR GROUP NALANSAG NG PNP-AKG

NANINIWALA si Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group director, P/Brig. Gen. Jonnel C. Estomo, nabuwag na ang Bonilla kidnap for ransom syndicate nang mapatay ng kanyang mga tauhan ang lider ng grupo at tatlong miyembro nito sa sagupaan nitong Martes ng madaling araw sa Zuzuarregui St., Brgy. Old Balara, Quezon City.

Ayon kay P/BGen. Estomo, bago ang sagupaan, nagsagawa ng surveillance and monitoring operation ang mga tauhan ng PNP-AKG laban sa Wilbert Bonilla kidnap for ransom group matapos iulat ng isang confidential informant ang hinggil sa planong pagdukot ng grupo sa isang mayamang negosyante sa Quezon City.

Ang nasabing operasyon ay pinangunahan ni Lt. Col. Morgan Aguilar ng PNP-AKG, at Batasan Police Station (PS-6), sa pamumuno ni Major Romulus Gadaoni, sa overall supervision ni P/Col. Villaflor Bannawagan, hepe ng PNP-AKG Luzon Field Unit.

Napatay sa operasyon ang apat na mga suspek na kinabibilangan ni Wilbert Bonilla alyas “Bongbong,” ang lider ng grupo, nang tangkain nilang iwasan ang namataang police checkpoint habang lulan ng Vesta Van na tinutugaygayan ng mga tauhan ng PNP-AKG

“Ang suspect no. 1 was described as 5″2 in height, fair complexion, slim built, wearing grey t-shirt and maong pants; suspect no. 2 described as 5″4 in height, fair complexion, slim built, wearing orange t-shirt and black short pants; suspect no. 3 described as 5″6 in height, fair complexion, slim built, wearing brown polo shirt and yellow short pants; and suspect no. 4 described as 5″4 in height, fair complexion, slim built, wearing green t-shirt and maong pants,” ayon sa impormasyong ibinahagi ni QCPD District Director, P/BGen. Danilo Macerin

Habang ang dalawang lalaking biktima na mga tauhan ng mayamang negosyante na siya talagang target ng KFR operation nina Bonilla, na kinilalang sina Edmer Tumagan at Michael Pearson Bongcaras, mga empleyado ng Sybtites Construction Company, ay nailigtas ng mga tauhan ng PNP-AKG at Quezon City Police District (QCPD). (JESSE KABEL)

189

Related posts

Leave a Comment