Lider ng gun for hire, holdup group MURDER SUSPECT NABINGWIT NG CIDG

ANTIPOLO CITY – Swak sa kulungan ang 38-anyos na wanted sa kasong murder at umano’y lider ng gun for hire at robbery hold-up group, makaraang masakote ng magkasanib na puwersa ng pulisya sa lungsod na ito.

Kinilala ang naaresto na si Jed Patrick Real, binata, nakatira sa Brgy. Mambugan sa lungsod.

Ayon sa ulat, dakong alas-11:00 ng umaga noong Hulyo 2, inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Rey Rangco Lor, ng Fourth Judicial Region, RTC Branch-138 Antipolo City, ang suspek sa kasong murder at walang inirekomendang pyansa, sa Marcos Highway, Blue Mountain Subd., Brgy. Mambugan sa lungsod.

Nabatid sa pulisya, nadakip ang suspek sa “Oplan Tugis at Salikop” ng magkasanib na puwersa ng mga operatiba ng Southern Metro Manila District Field Unit ng NCR-CIDG (lead unit), CIDG 4A, RIU 4A, DMFB SPD at Antipolo PNP.

Ayon sa record ng pulisya, si Real ay lider ng JP Real criminal group na sangkot sa gun for hire, gun running at robbery hold-up na nag-o-operate sa Southern part ng Metro Manila at kalapit na lalawigan. (ENOCK ECHAGUE)

111

Related posts

Leave a Comment