Lider ng indigenous people itinumba TRIBAL WAR IKINABAHALA SA DAVAO TOWN

DAVAO del Sur – Nabahala ang mga residente sa Purok 6, Sitio Makabulos, Brgy. San Miguel sa bayan ng Magsaysay makaraang barilin at mapatay ang isang lider ng Indigenous People’s Mandatory Representative (IPMR) sa lugar, alas-7:30 ng gabi noong Biyernes, Nobyembre 13.

Ayon sa ulat ng Magsaysay Municipal Police Station, kinilala ang biktimang si David Saling, may-edad na residente sa lugar.

Sinabi ni P/Major Jeffmar Tercero, hepe ng pulisya, ayon sa kanilang imbestigasyon, nagpapahinga ang biktima sa kanyang silid nang biglang dumating ang hindi kilalang suspek at pinagbabaril si Saling.

Makaraan ang pamamaril, isinugod ng mga kaanak ang biktima sa pagamutan ngunit hindi umabot nang buhay.

Agad namang ipinag-utos ni Tercero ang masusing imbestigasyon sa krimen.

Nababahala ang mga residente na nagsimula na ang ‘Pangayaw’ (tribal war) makaraang mapatay ang kanilang opisyal. (DONDON DINOY)

145

Related posts

Leave a Comment