HABAMBUHAY na pagkakulong ang inihatol sa anak ng napaslang na Ozamiz City mayor Reynaldo Parojinog, Sr. dahil sa illegal possession of drugs, nitong Biyernes.
Napatunayan ng Quezon City court na guilty si Reynaldo Parojinog, Jr. sa paglabag sa Section 11 of the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at inatasan ding magmulta ng P500,000.
Si Reynaldo Jr. ay inaresto kasama ang kapatid na si Ozamiz Vice Mayor Princess Nova Parojinog, sa madugong pagsalakay sa kanilang bahay kung saan nakakuha ang mga operatiba ng shabu, P1.4 million cash, at ilang armas sa loob ng bahay noong 2017.
Ang mayor kasama ang asawa nito at 13 iba pa ay napatay sa operasyon.
“This case shows again the resolve of the DOJ to prosecute all drug lords, whether entrenched crime families or small time peddlers,” sabi ni Senior Assistant State Prosecutor Juan Pedro Navera, isa sa mga prosecutor na humawak sa kaso.
