LIGTAS, KREDIBILIDAD NG BARMM ELECTION TITIYAKIN NG PNP

PINAALALAHANAN ni PNP Acting chief, Police Lt. Gen. Melencio Nartatez Jr., ang mga pulis na tiyakin na magiging maayos at may kredibilidad ang nalalapit na Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Parliamentary Elections.

Sa isinagawang flag raising ceremony sa Camp Crame kahapon ng umaga, sinabi ni Nartatez na pinaghahandaan na nila ito, apat na linggo mula ngayon.

Sa Oktubre 13 isasagawa ang kauna-unahang BARMM Parliamentary Elections kung kaya’t dapat itong paghandaan.

Pinaalalahan niya rin ang mga ito na maglingkod nang tapat at proteksyunan ang mamamayan.

Samantala, sinabi ni Nartatez na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga deputized agency hinggil sa halalan.

(TOTO NABAJA)

175

Related posts

Leave a Comment