LIM, TSUKII NASA DUBAI NA

NASA Dubai na sina karatekas Junna Tsukii at Jamie Lim para sa nalalapit na 2021 WKF Karate World Championship.

Nitong Biyernes ay ibinahagi ng Filipino-Japanese karateka sa kanyang Facebook account ang paglapag nito sa Dubai matapos ang kanyang training sa Serbia.

“Arrived in Dubai in perfect condition. Thank you to everyone who had supported me, I’m really excited” caption ni Tsukii na sasabak sa female kumite -50kg event ng world championship.
Sa kanyang Instagram story naman ibinahagi ni Lim ang pagdating sa Dubai.

Nag-ensayo siya sa Baguio City at nakatakdang sumabak sa female kumite -61kg sa torneo na gaganapin sa Nobyembre 16-21.

Maliban sa dalawang nabanggit, dalawa pang Pinoy ang magrerepresenta sa bansa sa WKF Karate World Championship. Sila ay sina Joco Vasquez at Sarah Pangilinan. (ANN ENCARNACION)

184

Related posts

Leave a Comment