LIVE-IN PARTNERS PATAY SA MURDER-SUICIDE

BATANGAS – Patay ang isang 29-anyos na babae makaraang pagsasaksakin ng kanyang 35-anyos na live-in partner na nagsaksak din sa sarili at nagbigti sa kanilang bahay sa Lipa City noong Sabado ng gabi.

Ayon sa report ng Lipa City Police, kapwa wala nang buhay nang idating sa ospital ang mga biktimang sina Crizelle Hernandez at Joel Ajito.

Lumabas sa imbestigasyon at batay sa pahayag ng mga nakarinig sa kaguluhan, nangyari ang insidente bandang alas-8:00 ng gabi sa kuwarto ng bahay ng magka-live-in sa Brgy. San Jose, Lipa City.

Nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang dalawa na humantong sa ilang beses na pagsaksak ng lalaki sa babae gamit ang isang kutsilyo.

Pagkaraan ay nagsaksak din sa dibdib at tiyan ang lalaki saka nagbigti sa nylon cord na itinali sa grills ng kanilang double deck bed.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng Lipa City Police sa insidente. (NILOU DEL CARMEN)

10

Related posts

Leave a Comment