KALABOSO sa Malate Police Station 9 ng Manila Police District, ang isang 73-anyos na lolo sa makaraang arestuhin sa bisa ng warrant of arrest sa kasong murder noong Lunes ng gabi sa Tondo, Manila
Kinilala ang suspek na si alyas “Porferio Jr.”, may asawa, ng nasabing lugar.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Salvador Tangdol, station commander, bandang alas-11:30 ng gabi nang mamataan ang suspek sa tapat ng kanyang bahay makaraan ang ilang buwang surveillance operation.
Inaresto ang suspek ng mga awtoridad sa pangunguna ni Police Captain Jose Ric Morelos, hepe ng Warrant and Subpoena Section, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Jansen Rodriguez, ng Regional Trial Court Branch 6 ng City of Manila, sa kasong murder. (RENE CRISOSTOMO)
211
