LOLO’T LOLA SA PINAS MAS MARAMI KAYSA BATA

BUMABA ang bilang ng mga kabataang Pilipino sa nakalipas na taon habang lumawak naman ang bilang ng mga lolo’t lola.

Sinabi ng Commission on Population and Development (POPCOM) na ang “population pyramid” ng Pilipinas ay kasalukuyang mahigpit sa ilalim o laylayan, kinabibilangan ng mga kabataang Pinoy na may edad ” zero to 4″; habang tumaas naman sa itaas o sa tuktok, sumasalamin sa bahagi ng senior citizens o mga lolo’t lola dahil sa patuloy na paglago at pagdoble ng bilang sa nakalipas na 20 taon.

Tinukoy ang kamakailan lamang na report ng Philippine Statistics Authority (PSA), sinabi ng POPCOM na ang ‘percentage share’ ng mga kabataang Pinoy na may edad limang taon pababa ay bumaba na sa 10.2% noong 2020 mula 10.8% noong 2015, at 12.6% noong 2000.

“In the last two decades, the percentage in the population of Filipinos under 15 has dropped from a 37-percent share in 2000 to 30.7 percent in 2020. Meanwhile, the median age of Filipinos also went up to 25.3 years old, from 23.3 years old in 2010, continuing a 30-year trend of increasing median age of Filipinos,” ayon naman sa PSA.

Noong 2020, ang mga Pinoy na may edad 60 pataas ay pumalo sa 8.5% ng populasyon o 9.2 milyon. Sa nasabing taon ay nakita na ang pagdoble ng bilang ng ‘aging citizens’ sa bansa mula 2000, kumakatawan sa 5.9% ng national population sa 4.5 milyong Pilipino.

Noong 2015 naman, 24.4% o 5,606,500 ng 22,975,630 pamilya sa buong bansa ang mayroong isang miyembro ng senior citizen.

Makikita sa  PSA data na ang ‘steady growth’ sa working-age population sa bansa, nasa 15 hanggang 64 age group ay pumalo na sa 63.9% ng mga Pinoy, bahagyang tumaas mula 63.3% noong 2015, at 59.1% noong taong 2000. (CHRISTIAN DALE)

375

Related posts

Leave a Comment