HINDI pinalampas ng NAGKAISA Labor Coalition na banatan ang pahayag ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez laban sa mga manggagawa kung saan isinalarawang “stupid” ang pananakot ng kalihim sa mga obrerong hindi makababalik sa kani-kanilang pinapasukang kumpanya simula nang ilagay ang National Capital Region (NCR) at iba pang rehiyon sa Luzon sa modified enhanced community quarantine (MECQ) nitong Mayo 16.
“It seems … DTI Chief [Ramon Lopez] is in an ethereal world. How can workers report to work when there yet no available means of transportation to bring him or her to workplace?,” birada ni Atty. Jose Sonny Matula, pangulo ng NAGKAISA.
Idiniin ni Matula sa kalihim na: “We have to remind Sec Lopez of the stupidity of asking workers to report for work without providing them buses or jeepneys for transport to work.”
Ang mabagsik na pahayag ni Matula ay reaksyon ng mahigit na 40 lider-manggagawa na kasapi ng NAGKAISA sa ganitong pangungutya ni Lopez sa mga obrero: “If an employee refuses to work, it doesn’t reflect well on his [or her] character. [He or she] should have [a] positive mindset. Otherwise, he [or she] also runs the risk of losing his [or her] job.”
Hinamon ni Matula ang mga opisyal ng administrasyong Duterte tulad ni Lopez na huwag gamitin ang mga sasakyang inisyu ng pamahalaan sa kanila, kung saan ang ipinambili sa mga ito ay mula sa buwis na ibinayad ng mamamayan, sa panahon ng MECQ.
“Tingnan natin kung makabalik sila sa kani-kanilang trabaho nang walang pribelihiyong sasakyan,” tugon ni Matula, pangulo rin ng Federation of Free Workers (FFW).
Muli namang iginiit ni Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) Executive Vice President Gerard Seno kay Pangulong Rodrigo Duterte na gawing “libre ang transportasyon” para sa mga manggagawa habang hindi pa pinapayagan ang mga pampublikong sasakyan na bumiyahe.
“We appeal to the chief executive to immediately mobilize all idle government-purchased service vehicles to shuttle daily paid workers whose employers are unable to provide them with shuttle service due to economic difficulties brought by a sixty-day community quarantine lockdown,” hiling ni Seno kay Duterte.
Ayon sa tagapagsalita ng ALU-TUCP na si Alan Tanjusay: “[I]t must be the obligation of [the] government and business owners to provide shuttle or transportation as workers help in rebuilding our economy.”
Inihayag din ni Matula na kontratahin ng pamahalaan ang mga may-ari o opereytor ng mga bus, dyip at iba pang pampublikong sasakyan upang magkaroon ng masasakyan ang mga manggagawa patungo sa kani-kanilang papasukang mga kumpanya. NELSON S. BADILLA
