LORENZANA MULING NAGPOSITIBO SA COVID-19

KINUMPIRMA mismo ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana, nitong Miyerkoles ng gabi na muli siyang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

“Hello everyone, yes, I am COVID (-19) positive. This morning I got the result of my swab test yesterday (Tuesday) afternoon after the Senate hearing. I am symptomatic,” ayon kay Lorenzana sa isang text message.

Ito ang pangalawang pagkakataon na tinamaan ng nasabing virus si Lorenzana.

Matatandaang noong nakaraang Abril, sumailalim ang Kalihim sa quarantine upang maiwasan na makahawa sa kanyang mga kasama sa DND.

Sinabi ni Lorenzana na siya ay fully vaccinated.

Kababalik lamang ni Lorenzana sa bansa matapos ang kanyang official trips sa Spain at Poland noong nakaraang linggo. (CHRISTIAN DALE)

239

Related posts

Leave a Comment