LOVE TRIANGLE SINISILIP SA PAMAMASLANG SA ARABO

BUTUAN CITY – Hawak na ng mga pulis ang dalawa sa sinasabing tatlong suspek na nagnakaw at pumatay sa isang Saudi Arabian national sa lungsod na ito, nitong nakalipas na Linggo.

Ayon kay PNP Police Regional office 13 Director, Police Brig. General Romeo M. Caramat, sa mabilis na pagresponde ng Butuan City Police Station ay nadakip ang dalawang suspek na kinilalang sina Edward

Lauron Auman, 37, at Emiliano Demit Bati-On, Jr., 23, kapwa mga residente ng Barangay San Vicente, Naaresto ng pulisya noong Linggo ang dalawa sa tatlong suspek na sangkot sa pagnanakaw at pagpatay sa 70-anyos na si Ahmed Yousef Aljamaa, naninirahan sa Upper Mandacpan, Brgy. San Vicente, Butuan City.

Ayon sa mga awtoridad, nakatanggap sila ng tawag noong gabi ng Sabado tungkol sa pagnanakaw sa isang apartment sa Barangay San Vicente. Nang puntahan ang apartment, nadatnan ng mga pulis ang duguang bangkay ng biktima sa loob ng isang kuwarto. Nakita rin doon ang fiancée ng biktima na kinilalang si Nerylyn Albay Silao na nakagapos, gayundin ang kapatid nitong menor de edad.

Ayon sa pulisya, mayroong sugat sa leeg ang biktima na maaaring sinaksak ng mga suspek. Kinuha umano ng mga suspek ang apat na cellphone at pera ng mga biktima. Inaalam ng mga imbestigador kung talagang pagnanakaw ang motibo sa pamamaslang sa banyaga base sa nakalap nilang mga impormasyon. Sinasabing bago ang krimen, nakatanggap ng banta sa buhay ang banyagang biktima mula sa dati niyang fiancée, na may mangyayaring masama sa kanya kapag ikinasal siya sa ibang babae, ayon sa pulisya. (JESSE KABEL)

239

Related posts

Leave a Comment