LUMAKAS at naging isang ganap na bagyo ang namataang low pressure area sa bahagi ng Batanes at Babuyan Islands.
Tinawag na Bagyong Igme, inaasahang palalakasin pa nito ang Habagat na siyang magdadala ng ulan.
Inaasahan ang malakas hanggang katamtamang ulan sa bahagi ng Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Zambales, at Bataan.
Inaasahan ang posibleng pagbaha sa mabababang lugar.
Hindi rin pinapayuhan ng PAGASA ang mga mangingisda na pumalaot sa nasabing mga lugar.
Huli itong namataan 340 km north northeast ng Basco, Batanes.
May hangin si Igme na aabot sa 65 km/h malapit sa gitna at pagbugso na aabot sa 80 km/h.
Kumikilos ito sa direksyong northwest sa bilis na 10 km/h papunta ng southern Ryukyu islands sa Japan.
Bukas ng umaga inaasahang lalabas ang Bagyong Igme ng PAR, pero uulan pa rin dahil hahatakin ang habagat. (CATHERINE CUETO)
