LTFRB NAGLABAS NG SCO LABAN SA BUS OPERATOR SA AKSIDENTE SA QUEZON

NAGLABAS ng show cause order (SCO) ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa operator ng isang pampasaherong bus na nasangkot sa aksidente sa Gumaca, Quezon na nagresulta sa pagkasugat ng hindi bababa sa 25 pasahero.

Ang hakbang ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magpatupad ng mas mahigpit na hakbang upang matiyak ang kaligtasan sa kalsada.

Sa ilalim ng pangangasiwa ni DOTr Secretary Giovanni “Banoy” Lopez, pinatawag ng LTFRB ang operator upang magpaliwanag sa insidente.

Ayon kay LTFRB Chairperson Atty. Vigor D. Mendoza II, iniimbestigahan na ang sanhi ng aksidente, lalo na’t may ulat na nawalan ng kontrol ang drayber habang binabaybay ang pambansang highway.

“Isinasagawa namin ang imbestigasyon upang matukoy kung ito ba ay isyu sa road worthiness ng sasakyan, pagkukulang ng drayber, o iba pang dahilan,” ani Mendoza.

Batay sa paunang ulat, bumangga ang bus sa isa pang sasakyan matapos umanong mawalan ng kontrol. Dinala sa ospital ang mga nasugatang pasahero.

Inatasan ang operator na magsumite ng written explanation kung bakit hindi dapat suspendihin o bawiin ang kanilang prangkisa. Nakaiskedyul ang pagdinig sa Marso 13.

Sinabi rin ni Mendoza na babantayan ng ahensya ang pagbabayad ng insurance claims ng mga nasugatan at tiniyak ang patas at agarang pagresolba sa kaso.

(PAOLO SANTOS)

3

Related posts

Leave a Comment