NAIS mapanagot ng mga senador ang mga inspector ng Land Transportation Office (LTO) na nagbibigay ng roadworthiness’ certificates sa mga trucks at pampasaherong bus.
Giit ni Senate President Vicente Sotto III, kailangang sibakin ang mga itinalagang inspector na mapapatunayang nakikipagsabwatan sa mga truck at bus operators para makabiyahe ang mga ito sa
kabila ng hindi maayos ang takbo ng nasabing malalaking sasakyan.
Aniya, maraming beses nang nasasangkot sa aksidente ang mga truck at bus sa kahabaan ng EDSA at sa buong bansa.
“Dismiss right away those inspectors who issue ‘roadworthiness’ certificates to truck and bus owners whose vehicles got into vehicular mishaps due to faulty brakes or engine,” ani Sotto sa pagdinig ng Senste Committee on Public Services.
Sinabi ni Sotto na hindi katanggap-tanggap na mabibigyan ng roadworthiness’ certificates ang mga truck at bus na nasasangkot sa aksidente dahil sa umano’y problema sa preno.
Ayon naman kay Senador Nancy Binay na nagtataka itong maraming aksidenteng kinasasangkutan ang bus at truck na sinasabing nagkaproblema sa manibela at preno subalit nabigyan ng roadworthiness certificates.
Dahil dito pinagpapaliwanag ni Binay ang LTO kung ano ang ginawa ng mga inspector nito sa mga maaksidenteng bus at trucks. (NOEL ABUEL)
172
