LUXURY VEHICLES NG DISCAYA COUPLE IPASUSUBASTA

NAGSUMITE si Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ariel Nepomuceno ng mga dokumento sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) hinggil sa kanilang isinasagawang pagsisiyasat sa multibillion flood control projects anomaly.

Kabilang sa mga isinumiteng dokumento ay may kaugnayan ilang luxury vehicles na pag-aari ng mag-asawang government contractors na sina Pacifico “Curlee” at Sarah Discaya.

Nakapaloob sa mga dokumento ang search warrants, certificate of payments, car registration, progress report ng kanilang imbestigasyon at iba pang pertinent papers na maaaring magamit na ebidensiya na posibleng makatulong sa isinasagawang pagsisiyasat.

“Ang nais kasi ng BOC, iisa ‘yung patutunguhan ng direksyon of course para malaman ‘yung katotohanan sa mga iniimbestigahan na flood control projects. Gusto naming makatulong sang-ayon kung saan tayo magpo-focus dahil napakalalim nitong mga isinasagawang imbestigasyon at hindi naman ito lang ‘yung ginagawa nating trabaho,” pahayag ni Nepomuceno sa media.

“The BOC fully supports the Commission’s efforts to establish the facts in all pending inquiries. This initiative reflects our continuing commitment to transparency and cooperation with oversight bodies,” sabi pa ni Commissioner Nepomuceno.

Nabatid na plano ng Aduana na isubasta ang luxury vehicles ng mga Discaya pabor sa pamahalaan sa loob ng susunod na 90 araw.

Nabatid na sa 32 sasakyang ng mag-asawang contractor ay 13 ang inisyuhan ng seizure order – ibig sabihin, pormal na proseso na oras na makitaan ng Aduana na hindi pagtugon sa custom requirement, ay magiging forfeited in favor of the government na.

“Ibig sabihin, sa pamahalaan na ‘yan at pwede na naming i-bid o i-auction at ‘yung mapagbebentahan niyan ay ipantutulong natin sa mga programa ng gobyerno,” dagdag pa ni Nepomuceno.

Hawak ng Aduana ang 30 sasakyan ng mga Discaya bukod sa dalawang all-terrain vehicles, at sa 30 luxury vehicles nila ay 17 lamang ang pinaniniwalaang nabili sa pamamagitan ng lehitimong car dealers sa Pilipinas.

(JESSE RUIZ)

10

Related posts

Leave a Comment