MAAYOS NA SEWER SYSTEM PARA SA KALIGTASAN NG MANILA BAY

IGINIIT ni Senator Cynthia A. Villar ang kahalagahan ng Sewerage Treatment Plan (STP) upang malinis at mailigtas ang Manila Bay na aniya’y mahalaga sa buhay ng mga Pilipino.

Magtatayo ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng solar-powered Sewage Treatment Plant (STP) sa Baywalk area sa Malate, Manila.

Pinasinayaan nina DENR Secretary Roy Cimatu at MMDA Chair Gen. Danilo Lim noong July 30 ang STP na may kapasidad na kumuha at mag-ayos kada araw ng 500,000 litro ng wastewater mula sa drainage outfalls ng Padre Faura, Remedios at Estero de San Antonio Abad.

Ayon sa DENR, maglalagay sila ng karagdagang solar-powered STPs para sa wastewater mula Parañaque River, Tullahan-Tinajeros River at Las Piñas-Zapote River.

Sinabi ni Villar, chair ng Senate committe on environment and natural resources na isa itong “welcome development” upang mapabuti ang tubig ng Manila Bay.

“We should all do our part, not just whenever we can, but as much as we can. All over the world, many things are happening due to environmental destruction, degradation and neglect,” ayon Villar.

Bilang chairperson din ng committee on agriculture and fFood, ipinahayag ni Villar na maraming mangingisda ang umaasa ng kanilang kabuhayan sa Manila Bay. Ito ang pinagkukunan ng suplay ng isda sa National Capital Region (NCR), Camanava (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) at ilang bahagi ng Cavite at Bataan.

Ang Manila Bay ay may 1.7 million hectares drainage area na may 17 river systems.

Sa pakikipagtulungan sa local government units, adbokasiya ni Villar na panatiliing malinis ang mga ilog sa kanilang bayan upang makatulong sa pangangalaga at pagpapanatiling maayos ang Manila Bay.

“Plastic wastes ang isa sa pinaka-malubhang nakapipinsala sa ating kapaligiran at pumapatay sa mga yamang dagat. Alam natin lahat iyan dahil sa lahat ng mga cleanups, puro plastic wastes ang nako-collect natin,” ayon sa senator.

Sinabi ni Villar na pangatlo ang Pilipinas, kasunod ng China at Indonesia, sa pinakamaraming plastic na pumupunta sa karagatan.

Pinangungunahan ni Villar ang cleanup activities sa coastal areas ng Manila Bay. (ESTONG REYES)

392

Related posts

Leave a Comment