MABILIS NA AYUDA SA MAGSASAKA, GIIT NG SOLON

NAKAPANLULUMO ang sinapit ng maliliit na magsasaka at mangingisda kasunod ng pananalanta sa bansa ng Super Typhoon Rolly kaya umapela ang isang mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso na bilisan ang paghahatid ng ayuda sa mga ito.

Base sa report na natanggap ni Magsasaka Party-list Representative Argel Cabatbat mula sa field officers at farmers organization, hindi pa man nakababangon sa mga nagdaang kalamidad ang mga magsasaka ay problema na naman ang kasunod kung kaya’t panahon na upang kumilos ang mga ahensiyang nangangalaga sa kapakanan ng agrikultura.

Ayon kay Rep. Cabatbat, patung-patong ang pagdurusa ng mga magsasaka at kanilang pamilya na nawalan ng tahanan at nahinto ang pag-aaral ng mga anak.

Bukod pa rito, sinabi ng mambabatas na hindi mapunan ng pagkain ang kanilang mga hapag, at lubhang nabawasan ang kanilang dapat kinita dahil sa puwersadong pag-ani ng mga palay at iba pang pananim.

“Kailangan nila ng mabilis na tulong dahil patung-patong na ang kanilang paghihirap bago pa man bumagyo at kung hindi maaaksyunan ang kanilang mga hinaing ay maaaring ang malawakang salantang dulot ni bagyong Rolly na ang huling pako sa kanilang mga ataul,” ani Cabatbat.

“We call the national government and our key-agencies to action, and ask them to meaningfully engage our farmers and think of their losses in the process of drawing disaster rehabilitation policies. Prioritizing the purchase of local rice, sourced directly from our farmers, can make-up the relief goods to be given to municipalities heavily hit by the typhoon. We also believe that provinces directly damaged should secure portions of the calamity fund for the farming sector – local farmers in the province must be identified and given cash relief, and provincial governments must allocate a portion of the calamity fund for the purchase of rice and agricultural products directly from their local farmers,” mungkahi pa ng mambabatas. (CESAR BARQUILLA)

256

Related posts

Leave a Comment