PUNA ni JOEL O. AMONGO
NAKATANGGAP ng impormasyon ang PUNA na ang mag-amang may parehas na inisyal na “AA” ang pangalan sa Quezon City, ay ilegalista?
Namamayagpag umano ang dalawa sa kanilang ilegal na gawain sa nasabing lungsod at wala silang pakialam sa mga awtoridad.
Si anak ay baguhang politiko matapos manalo nitong nakaraang 2022 presidential and local elections.
Ang kanyang ama ay maraming nakakikilala na may pagka-magulang pagdating sa usapin sa pera.
Siyempre kung ‘ano ang puno, ganoon din ang bunga’ kaya nagkakasundo ang dalawa sa lahat ng kanilang gawain.
Kaya hayun, lalong namayagpag ngayon si tatay dahil politiko na ang kanyang anak, kaya lalong lumakas ang kanyang loob sa ilegal na gawain. Mapapa ‘sana all’ na lang tayo sa tindi ng mag-ama.
Ayon sa ating source, pati raw ang mga tauhan ng mag-ama ay tinatalo nila kaya maraming galit sa kanila.
Batay sa pinakahuling impormasyon na ating natanggap, may kinahaharap na financial problem ang pamilya ng dalawa kaya lalo silang nagpupursige sa kanilang ilegal na gawain.
Wala silang pakialam sa mga awtoridad kahit na ilegal ang kanilang mga ginagawa.
Noon ngang hindi pa politiko si anak ay malakas na ang loob ni tatay eh ‘di lalo pa ngayon na nakapwesto na ang kanyang anak, sumbong pa sa PUNA.
Ayon pa sa ating source, sanay si tatay sa ilegal na gawain kaya lalo pang lalakas ang loob ngayong nakaupo na ang kanyang anak. Nasangkot na rin si ama sa iba’t ibang ilegal na gawain noong kabataan nito.
Hindi lang ilegal na gawain ang pinasok ng mag-ama, sobra-sobra rin daw kung manghingi ng SOP itong si anak sa kanyang mga proyektong ipinagagawa.
Akalain n’yong humihingi ito ng 40% SOP sa lahat ng kanyang mga proyektong ipinagagawa? Grabe ka, boy!
Nauna nang humingi ito ng 40% SOP hanggang sa ibinaba niya sa 38%.
Kaya hindi nakapagtataka na mabilis na nasisira ang mga kalsada natin dahil mahinang klase ang pagkakagawa nito sapagkat tinipid ang materyales.
Kung ang hinihingi ng politikong ito ay ganoon kalaki, plus kailangan din kumita ni contractor, ano pa ang mapupuntahan ng pera na natira? Onli in da Pilipins lang nangyayari!
Clue: artistahin ang arrive ni batang politiko. Hulaan n’yo, sino siya? Abangan ang karugtong…
oOo
Para sa sumbong at suhestiyon, mag-email sa joel2amongo@yahoo.com o mag-text sa cel# 0977-751-1840.
196