MAG-ASAWA ARESTADO SA PEKENG NETHERLANDS VISA

ARESTADO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang mag-asawa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa tangkang paglabas ng bansa gamit ang pekeng Netherlands visa.

“Our officers are well-trained to detect fraudulent travel documents,” pahayag ni Bureau of Immigration Commissioner Joel Viado.

“We warn the public against unscrupulous groups offering fake visas. These schemes not only waste hard-earned money but also put travelers at risk of legal consequences,” ayon kay Viado.

Sinabi naman ni BI Immigration Protection and Border Enforcement (I-PROBES) chief Mary Jane Hizon, tinangkang sumakay ang mag-asawa, may edad na 26 at 28, sa Cathay Pacific na biyaheng Amsterdam at nagpanggap na mga turista ngunit napansin ng immigration officers na kaduda-duda ng mga ito.

Kalaunan, inamin ng mag-asawa na nagbayad sila ng P268,000 para sa travel arrangements pati na sa pekeng visa.

Nasa kustodiya na ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ang mag-asawa para imbestigahan. (JOCELYN DOMENDEN)

7

Related posts

Leave a Comment