NABILAD sa kahihiyan ang mag-asawang kawani ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) nang arestuhin sila dahil umano sa pangungupit ng insentibo ng mga traffic enforcer mula sa inisyung Ordinance Violation Receipt (OVR) sa mga motoristang may traffic violation.
Binitbit ng mga tauhan ng Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) ng Manila Police District ang mag-asawang Ronald Costales, 38, MTPB traffic enforcer at Jennilyn, 31, MTPB OVR encoder.
Nadiskubre umano na nagsabwatan ang mag-asawa para makakupit sa insentibo ng mga traffic enforcer mula sa OVR. Nahaharap sila sa kasong paglabag sa Section 3e R.A. 3019 Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Qualified Theft. (RENE CRISOSTOMO)
