MAG-INA, PATAY SA AGAWAN SA LUPA

AWAY sa lupa ang motibo na sinisilip ng pulisya kaugnay sa pananambang at pagpatay sa mag-inang senior citizen at ikinasugat ng kanilang kaanak sa Quezon City, nitong nakalipas na Biyernes.

Ayon sa isang police official na tumangging ipabatid ang pangalan, isinagawa ang brutal na pagpaslang kina Emilia Rumor, 93-anyos, at sa 63-anyos nitong anak na si Brenda, makaraang ibenta ang kanilang malaking lupa sa probinsya ng Samar sa halagang P300 milyon.

“Batay dun sa imbestigasyon e, kakabenta pa lamang ng lupa ng mag-ina na nasa P300 milyon sa Samar, nung naibenta ang lupa doon na sila nagkagulo,” ani police official.

Nasa ilalim na umano ng pagpoproseso ang mga imbestigador para makilala ang nasa likod ng krimen partikular ang posibleng pagkakasangkot ng ilang mga kaanak.

Nitong nakalipas na araw ng Biyernes, Pebrero 21, pinagbabaril ng hindi pa natutukoy na suspek ang mag-ina habang ipinaparada ang kanilang sasakyan sa tapat ng bahay sa Cerilo Street, Barangy Holy Spirit.

Sugatan din ang isa nilang kaanak matapos madaplisan ng bala at ngayon ay nasa ligtas nang kondisyon. (JG TUMBADO)

 

386

Related posts

Leave a Comment