Sa ikalawang sunod na buwan, nag-anunsyo ang Meralco ng pagbaba sa presyo ng kuryente. P0.1076 kada kWh ang bawas ngayong Hunyo, dahilan kaya pumatak sa P12.1552 kada kWh ang kabuuang rate para sa pangkaraniwang pamilya.
“Patuloy na mapapakinabangan ng aming mga customer ang mas mababang singil sa kuryente ngayong buwan na dulot ng mas mababang generation charge. Para sa mga tipikal na customer na
kumokonsumo ng 200 kWh kada buwan, katumbas ito ng P22 na bawas sa kanilang kabuuang bill,” ayon kay Meralco Vice President at Head of Corporate Communications Joe R. Zaldarriaga.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang Meralco website (www.meralco.com.ph) o ang mga opisyal na social media account ng Meralco sa Facebook (www.facebook.com/meralco) at X
(@meralco).
