KINASUHAN NG adultery o pakikiapid ang beauty queen na si Maggie Wilson at ang rumored bf nitong si Tim Connor sa Regional Trial Court noong June 30, 2022, pero ang court document nagsimulang kumalat noong July 15.
Lumitaw ang mga kopya ng demanda laban sa sinasabing magkalaguyo ilang oras matapos na ipost ni Maggie sa kanyang Instagram ang video tungkol sa umano’y iligal na pagpasok ng mga opisyales ng VCDC at DMCI sa kanyang tahanan, mga kompanyang parehong pagmamay-ari ng kanyang estranged husband na si Victor Consunji.
Nagulat ang ex-beauty queen nang i-padlock ang kanyang bahay sa Taguig City.
Taong 2021 nabalitang hindi na okey ang pagsasama nina Maggie at Victor, CEO ng VCDC at DMCI. Balita pa na nagkahiwalay sila noong 3rd quarter ng year 2021 na kung saan isinapubliko pero nagsabi na mananatili silang magkaibigan at co-parenting sa nag-iisang anak nila na si Connor, 10 years old.
Pero hindi pa natatapos, year 2021 ay nabalita na hindi okey ang ex-couple dahil diumano sa may kinalaman itong business partner nilang dalawa na si Tim Connor na ang tunay na pangalan ay Tim Jayankura Na Ayudha. British Thai Business mogul at miyembro ng Thai Royal family.
Diumano ay walang pinirmahan na legal separation sa pagitan nina Maggie at Victor dahil diumano ay wino-workout pa raw ito.
So, (if true) technically ay mag-asawa pa rin sina Maggie at Victor kaya nakapag-file ang huli ng 3 counts of adultery laban sa ex-beauty queen at kay Tim kahit kasalukuyang parehong nasa ibang bansa ang dalawa.
Dahil nasa ibang bansa si Maggie ay nagulat ito nang iparating sa kanya ng kapatid kasama ang 5 years old nitong anak ang nangyaring kaguluhan last Friday.
Ayon kay Maggie sa kanyang Instagram video post ay pumasok daw ang mga representative ng VCDC, DMCI sa kanyang bahay.
“Both members of Victor Consunji Development Corp accompanied by the local barangay of Bambang, Taguig on behalf of Victor Consunji and DMCI, entered my home illegally, with no notice, no warrant, and no proper paperwork” Instagram post ni Maggie.
“They stated that the property is owned by DMCI despite me explaining over the phone, on multiple occasions, that there is a contract that exists on the property signed by Bernie Mendoza himself.
“They entered my home and took videos of personal belongings of myself and my family illegally.”
Sabi pa ng former beauty queen. “This is a very real threat. It could potentially happen to you on VCDC and DMCI land despite having the correct paperwork in place.”
Ikinuwento rin ng kapatid ni Maggie na may ipinakita raw itong property contract sa mga opisyales ng VCDC at DMCI pero nagkatawanan daw saka nag-alisan at pinutulan sila ng kuryente.
Payo pa raw ng taga-Meralco sa kapatid ni Maggie na kausapin daw ang owner ng DMCI para magkaayos sila at maibalik ang kanilang kuryente.
Sabi ni Maggie, “I fear that if I was there., they would have used them on me. I am currently away for business. I`m scared for mine and my family`s life.”
Kaya nanawagan at humingi ng tulong si Maggie sa ating gobyerno.
“I urge our government and others to please step in and do something immediately. I plead with you and the online community to help me raise awareness that this kind of human rights harassment happens in the Philippines, especially to women day in and day out”
Ayon naman sa legal counsel ni Maggie ay hindi raw nila palalampasin ang ginawa ng VCDC, DMCI dahil illegal daw ang pagpasok ng walang paalam sa bahay.Nagpahayag si Maggie sa kanyang Instagram stories ng,”The truth about everything will come out soon.” (GERRY OCAMPO)
