NAGPASAKLOLO ang actress/beauty queen na si Maggie Wilson matapos silang harasin at pasukin ng mga tauhan ng estranged husband sa bahay nila sa Taguig nitong July 15, 2022.
Walang dalang “notice to vacate, warrant of arrest at walang kaukulang proper paperwork ang mga tauhan ng dating asawa nang pasukin ang kanilang pamamahay. Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Maggie ang videos na kuha ng kanyang kapatid na babae. Makikita rito ang mga tauhan ng VCDC at DMCI—mga kompanyang parehong pagmamay-ari ng real estate mogul na si Victor—na pumasok sa kanyang tahanan kasama ang mga tauhan ng barangay. Nag-serve raw ang mga ito ng notice para i-padlock ang bahay.
Kuwento pa ng aktres na galit na galit, nakapasok na raw ang mga tauhan ng dating asawa sa bahay, ipinakita ng mga kamag-anak ni Maggie ang kontratang nagsasaad na may karapatan manirahan ang actress-beauty queen sa nasabing bahay. “They then laughed, very loudly, and left the property,” sabi ni Maggie matapos makita ang hawak na papeles. Wala si Maggie nang nangyari ang insidente dahil nasa business trip siya sa kasalukuyan. Umalma ng “harrassment at intimidation” si Maggie kaugnay ng insidente. “I am currently away on business and I’m scared for mine, and my family’s life,” saad pa niya.
Ramdam daw ni Maggie na harassment ang nangyari kaya nanawagan siya ng tulong mula sa awtoridad. Apela niya: “I urge our government and others to please step in and do something immediately. “I plea with you and the online community to help me raise awareness that this kind of human rights harassment happens in the Philippines. Especially to women. Day in and day out.”
Wala pang pahayag ang VCDC at DMCI ukol sa reklamong ito ni Maggie. Sa kanilang joint statement, nakasaad na kahit hiwalay na sila ng landas, magiging “partner” sila sa pag-aalaga at pagpapalaki sa anak nilang si Connor. Post ni Maggie sa Instagram noon: “We want you to hear it from us directly. Vic and I have made the difficult decision a while back to separate. “It’s been challenging to say the least, but we want you to know that there is no animosity between us. “We will always love and support each other no matter what. “We will always be family as we share our beautiful son, Connor, together. “We have remained really good friends and partners and will continue to do so. “Both of us want nothing more than for each other to be happy”.
