MAGING RESPONSABLE SA PAGGAMIT NG SOCIAL MEDIA – PRO 4A CHIEF

HINIMOK ang publiko ng PRO 4A Regional Director na maging responsable sa paggamit ng social media at huwag magpakalat ng fake news sa kalagitnaan ng paglaganap nito kung saan maging ang mga pulis ay nabibiktima rin.

Ayon kay PBGen. Jack L. Wanky, Regional Director, PRO 4A, hinikayat niya ang publiko na maging mahinahon at umiwas sa pagpapakalat ng hindi beripikadong impormasyon sa online.

Paliwanag ni Wanky, nakasasagabal ito sa kanilang operasyon at nakadaragdag lamang ng takot at kalituhan sa publiko.

Bunsod ito sa muling paglutang ng maling impormasyon kaugnay ng isang bangkay ng lalaking natagpuan patay sa Kawit, Cavite noon pang 2022 na pinag-usapan at naging viral nang muling lumutang sa social media.

Paliwanag ni Wanky, matagal nang naresolba ang pagkakakilanlan ng biktima matapos ang masusing imbestigasyon ng Cavite Police Provincial Office, katuwang ang Kawit Municipal Police Station at mga ahensya ng tulad ng Chinese Embassy, Bureau of Immigration at Regional Forensic Unit 4A.

Hinikayat din ng Regional Director ng PRO 4A na maging transparent ang pulisya sa pagbibigay ng tamang impormasyon sa publiko. (SIGFRED ADSUARA)

19

Related posts

Leave a Comment