PDEA AGENT COMATOSE SA BUY-BUST SHOOTOUT

LAGUNA – Nasa kritikal na kondisyon ang isang ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nang makipagbarilan ito sa dalawang target drug personalities sa ikinasang anti-narcotics operation sa lalawigan.

Ayon sa ulat na ibinahagi ni PDEA Public Information Office chief, Director Laurefel P. Gabales, bandang alas-9:15 ng gabi nitong nakalipas na Linggo, isang buy-bust operation ang inilunsad ng magkasanib na pwersa ng PDEA Regional Office IV-A Regional Special Enforcement Team 2, at Laguna Provincial Office, sa pakikipag-ugnayan sa mga kasapi ng Calamba City Drug Enforcement Unit.

Target ng buy-bust operation ang dalawang heavily armed drug suspects na kinilalang si alyas “Mark” at isang kasama nito, sa open parking lot ng isang kilalang shopping mall sa Barangay Real, Calamba City.

Subalit natunugan agad ng dalawang high value drug personalities na target sila ng PDEA operation kaya mabilis na tumakas sakay ng dark gray SUV na Geely at may plate number NIN-5940, habang pinapuputukan ang mga operatiba.

Napilitang makipagbarilan ang mga ahente ng PDEA subalit nagawang makatakas ng mga suspek.

Sa kasagsagan ng palitan ng putok, nahagip ng punglo ang isang tauhan ng PDEA.

Kasalukuyang comatose ang nasabing PDEA agent dahil sa tama ng bala sa ulo at inoobserbahan sa isang pagamutan.

“It is a harsh reality that every time PDEA agents go out for an operation, they are putting their lives and limbs on the line to apprehend armed and dangerous drug traffickers. It is a risk they have to take in the performance of duty,” ani PDEA Director General Undersecretary Isagani R. Nerez.

“He (injured PDEA agent) showed remarkable courage under fire. In return, we will provide him with the best medical care and assistance to aid his full recovery. The Agency assures him that his welfare remains a priority and he is not alone in his recovery,” pagtiyak ni DG Nerez.

Kaugnay nito, inutos ni Nerez ang massive manhunt operation sa mga suspek.

Tiniyak ni Nerez na hindi sila lulubayan at sa lalong madaling panahon ay madadakip ang mga ito. “PDEA will chase you down. There is no way you can outrun the long arm of the law,” pagtiyak pa ng PDEA chief. (JESSE RUIZ)

40

Related posts

Leave a Comment