PATAY ang isang junkshop owner nang pagbabarilin ng pagbabarilin ng riding in-tandem na ikinasugat naman ng kanyang ka-live in sa Brgy. Payatas B Quezon City, Huwebes ng gabi.
Ayon kay PCapt. Nick Fontanilla, hepe ng homicide section ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), napuruhan ng mga tama ng bala si Vicente Londris, 40, residente ng Pampanga St., Brgy. Payatas B, QC habang patuloy namang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang live-in partner nito na si Flordemay Edconde, 38.
Sa imbestigasyon ng QCPD-CIDU, pinagbabaril ang mga biktima sa kanilang maliit na junkshop sa Pampanga Street malapit sa Creative Image School, Brgy. Payatas B, dakong 7:30 ng gabi.
Ayon kay Fontanilla, base sa salaysay ng saksing si alyas Ruby, bigla na lang sumulpot ang motorsiklo na may sakay na dalawang lalaki at pinagbabaril ang mga biktima na noon ay abala sa pag-aayos ng scrap materials.
Blangko pa ang mga awtoridad sa motibo ng krimen sa magka-live-in na kapwa umano may asawa. TJ DELOS REYES
411 