Magkakalabang politiko sa Masbate NAGKAISA PARA SA UNITEAM

SINA presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at kanyang running-mate na si Inday Sara Duterte ang napiling pambato ng buong lalawigan ng Masbate nang pirmahan nitong Sabado ng mga lokal na opisyal sa pangunguna ni Governor Antonio T. Kho ang “manifesto of support” para sa kanilang tambalan.

Binisita ni Marcos nitong Sabado ang lalawigan ng Masbate, kung saan nagkaroon ng caravan patungo sa Freedom Park, sa harapan ng Masbate Provincial Hall na pinag-ganapan ng UniTeam grand rally.

Sa caravan ay magkakasama sina Marcos, Gob. Kho at Partido Federal ng Pilipinas (PFP) provincial chairman Ruben Jude Lim na magkalaban sa pulitika pero kapwa nagkaisa para suportahan ang BBM-Sara UniTeam.

Sa grand rally, sinabi ni Lim na dapat magkaisa na tulad ng panawagan ni Marcos, at aniya ay isapuso ang layunin ng pagkakaisa para sa ikauunlad ng probinsya ng Masbate.

“Tulad ng panawagan ng ating president (Bongbong) na dapat magkaisa tayo, dapat magkaisa buong Pilipino kaya mga Masbateño isapuso natin ‘yan, ang layunin ng ating president para tayong mga Masbateño mas madali ang pag-unlad ng ating probinsya,” sabi ni Lim.

“Sa mga Masbateño ipakita natin ang ating suporta hanggang sa May 9, 2022, maraming salamat sa inyo sa pagsuporta niyo kay BBM at kay Inday Sara,” dagdag ni Lim.

Sa nasabing programa ay opisyal na ring idineklara ni Kho ang BBM-Sara UniTeam bilang kanilang kandidato sa darating na halalan.

“As your Governor, with this forging of alliances and with his great promises, I will declare Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. as our official candidate as president,” deklarasyon ni Kho.

Sinabi rin ni Kho na sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang partido ng tumatakbong alkalde na si Lim at ng ilang opisyal ng probinsya, ay nagkaisa sila sa hangarin na suportahan ang kandidatura ng BBM-Sara UniTeam.

“Pasalamatan din po natin si PFP provincial chairman RJ Lim, and besides our local political struggle, we will be supporting a common candidate for president and vice president respectively,” sabi ni Kho.

Nagpasalamat naman si Marcos sa mga lokal na opisyal at sa libong-libong Masbateño sa mainit na pagsalubong sa kanya.

Bagama’t kabilang ang Masbate sa Bicol Region, nangibabaw pa rin ang pagmamahal ng mga supporters kay Marcos, umaga pa lang ay marami na ang naghihintay sa kanyang pagdating.

Bago naman matapos ang programa ay nilagdaan ni Kho at ng mga lokal na opisyal ng probinsya ang isang “Manifesto of Support” para sa BBM-Sara UniTeam.

Kabilang sa lumagda ang 17 alkalde, dalawang congressmen at 490 kapitan ng barangay.

Naging matagumpay ang programa na nagtapos sa pinagkaisang pagtataas at hawak kamay ng mga lokal na opisyal kasama si Marcos.

Masayang umuwi ang mga taga Masbate bitbit ang pag-asa na sa wakas ay magkakaroon na rin sila ng mas maunlad na buhay sa ilalim ng pamumuno nina Marcos at Inday Sara.

Legasiya ng kanilang ama
ipagpapatuloy nina BBM-Sara

Kasabay nito, ipinahayag ni Gov. Kho na malaki ang tiwala nilang ipagpapatuloy nina Bongbong at Sara ang legasiya ng kanilang mga ama na kapwa itinuturing na pinakamahuhusay na mga presidente ng bansa.

Sa panayam bago ang pagdating ni Marcos sa Masbate Airport para sa ‘campaign sortie’ nitong Sabado, sinabi ni Kho na ang kanilang local leaders at mga kababayang Masbateno ay naniniwalang tutumbasan nina BBM at Sara ang kagalingan nina dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at Pangulong Rodrigo Duterte.

“BBM kasi ngayon lang na-realize ng mga tao, in my own personal analysis, na ang ginawa ng ama ni Bongbong Marcos ngayon lang na-realize, tama pala ang ginagawa,” ani Kho.

“BBM will continue the legacy that his father has started. Same with Sara, Sara will continue the legacy of his father,” sabi pa ng gobernador.

Isang simple at maikling dayalogo ang isinagawa sa airport matapos ipakilala ni Kho si Marcos sa local officials ng probinsiya.

Ayon sa opisyal, 17 sa 21 mayor sa kanilang probinsiya ang “all-in” para sa UniTeam.

“With the political machineries that we have. We are now in full-battle gear and ready to work to give our full support,” dagdag pa ni Kho.

Kasabay nito, tiniyak ng mga local leaders ang “landslide victory” sa kanilang probinsiya ni BBM.

“Sinabi ko kay BBM kung wala nang oras ‘wag nang pumunta ng Masbate dahil tatlong presidentiable na ang naipanalo natin dito na hindi na pumunta … Ramos, Estrada and GMA. We made history when GMA won because his rival is Roco na taga Region 5,” wika pa ni Kho.

“This is another history in the making dahil BBM’s rival (Leni Robredo) is also from the region. Pero bago ako mapahiya may itatanong ako sa inyo? Kaya ba nating i-maximize ang boto for BBM?” tanong ng gobernador sa mga chief local executives ng lalawigan.

“Kaya!” sama-samang sigaw at tinig ng mga lokal na opisyal bilang sagot sa tanong ni Kho.

Ang Masbate ay may tatlong ‘congressional districts,’ 20 ‘municipalities’ at isang lungsod na may kabuuang 600,000 registered voting population noong taong 2019.

Si Kho rin ang kauna-unahang Bicolano governor na nagdeklara ng todo suporta sa UniTeam, bagay na sinasabi ng mga eksperto na malabo nang ma-solid ni Leni Robredo ang buong Bicolandia.

Nagpahayag na rin ng kanyang suporta si Catanduanes Gob. Joseph Cua para sa BBM-Sara UniTeam.

Si Camarines Norte Governor Edgar Tallado ay nag-endorso na rin sa BBM-Sara UniTeam noong Pebrero 8 kasabay ng pagdiriwang ng “Sara para sa Barangay” sa Daet City.

233

Related posts

Leave a Comment