MAGKAPATID, PINSAN NALUNOD SA BEACH SA NEGROS ORIENTAL

NEGROS ORIENTAL – Nalunod ang magkapatid na menor de edad at isa nilang pinsan habang naliligo sa beach sa Bayawan City sa nasabing lalawigan.

Ayon sa Negros Oriental Provincial Police Office, napaulat na nawawala ang tatlong biktima noong Sabado matapos na matangay ng malalaking alon habang nagpi-picnic sa beach kasama ang kanilang pamilya sa Sitio Camaya-an, Brgy. Malabugas dakong alas-2:00 ng hapon.

Kinilala ang mga biktimang sina Genealyn Primor Villagracia, 11, Helmar Primor Villagracia, 7, at ang pinsan nilang Lalance Villagracia, 7-anyos.

Agad nagsagawa ng search and rescue operation ang mga tauhan ng MDRRMO, PNP at iba pang rescue team at hinanap ang tatlo.

Unang narekober ang wala nang buhay na si Genealyn noong maghahating-gabi ng Sabado.

Natagpuan naman ang labi nina Helmar at Lalance noong Linggo ng umaga.

(NILOU DEL CARMEN)

403

Related posts

Leave a Comment