NAGWAKAS na ang Olympic quest ng isa pang Pilipinong boksingero sa Tokyo na si Irish Magno nang matalo via unanimous decision kay Jutamas Jitpong ng Thailand (30-27, 30-27, 30-27, 30-27, 29-28) sa flyweight Round of 16 kahapon.
Hindi kinaya ng 30-anyos na Pinay ang mas bata (23), matangkad at mas maliksing si Jitpong, na sa simula pa lang ay makikitang nakangiti at puno ng kumpiyansang mananalo sa laban.
Nakarating sa Round of 16 si Magno nang makakuha ng unanimous decision win kontra Christine Ongare ng Kenya.
Samantala, dati nang nagkaharap sina Magno at Jitmong noong 2019 Southeast Asian Games kung saan nanalo sa semifinals ang una sa 4-1 split decision. Kinalaunan ay natalo ang Pinay sa gold medal match kontra Nguyen Thi Tam ng Vietnam. (VT ROMANO)
