MAGSASAKA BINOGA SA ULO, PATAY

CAVITE – Patay ang isang 51-anyos na magsasaka makaraang barilin sa ulo ng isang lalaki sa kanyang kubo sa gitna ng bukid sa bayan ng Amadeo sa lalawigang ito noong Miyerkoles ng umaga.

Dalawang bala sa ulo ang tumapos sa buhay ng biktimang si Luis Cabelin ng Brgy. Halang, Amadeo, Cavite habang pinaghahanap ang suspek na tumakas makaraan ang pamamaril.

Ayon sa ulat ni P/SSgt. Arvin Balbuena ng Amadeo Police, dakong alas-6:45 ng umaga nang mangyari ang pamamaril sa loob ng kubo ng biktima sa Brgy. Halang.

Bigla umanong pumasok ang suspek sa kubo at dalawang beses na binaril sa likurang bahagi ng ulo ang biktima na agaran nitong ikinamatay.

Ayon kay Balbuena, tila walang interes ang mga kamag-anak ng biktima na magsampa ng reklamo sa suspek bagama’t may “person on interest” na ang pulisya base sa pahayag ng mga saksi. (SIGFRED ADSUARA

164

Related posts

Leave a Comment