MAGSASAKA TINADTAD NI UTOL

QUEZON – Patay ang isang magsasaka makaraang makipagdwelo sa kanyang nakatatandang kapatid dahil sa pag-aagawan sa mga bunga ng niyog sa bayan ng Mauban, Miyerkoles ng umaga.

Dead on the spot ang biktimang si Erwin Urgelles Remoroza, 53, residente sa Brgy. Lual Poblacion dahil sa mga tama ng taga sa katawan.

Agad nang nadakip ng mga pulis ang suspek na si Erdie Urgelles Remoroza, 55-anyos.

Batay sa report, nagtatrabaho sa kanilang bukid sa Brgy. Bato ang biktima nang dumating ang kapatid na umano ay kukuha ng mga bunga niyog ngunit hindi pinayagan ng una.

Nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa na humantong sa dwelo habang armado ng itak ang suspek at armado naman ng isang pirasong kawayan ang biktima.

Bagama’t may may mga tama rin ng palo sa kawayan ang suspek, nanaig ang itak nito na nagresulta sa pagkamatay ng biktima.

Kusang loob na sumuko sa mga awtoridad ang suspek na nahaharap sa kasong homicide. (NILOU DEL CARMEN)

 

135

Related posts

Leave a Comment