MAHIGIT 230K PNP PERSONNEL MAY MID-YEAR BONUS NA

pulis

MAKATATANGGAP na ng mid-year bonus ang mahigit 230,000 uniformed at non-uniformed personnel ng Philippine National Police.

Ito ay bilang pagtalima sa kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na unahin ang kapakanan ng mga kawani ng gobyerno partikular na ang pulisya.

Epektibo Mayo 15, matatanggap ng mga pulis ang kanilang mid-year bonus nang direkta sa kanilang ATM payroll account sa Landbank.

Sakop nito ang mga pulis, cadets, at non-uniformed Personnel ng organisasyon.

Ayon sa ulat, umabot sa P7.7 bilyon ang pondo para sa kabuuang 230,925 na mga tauhan ng PNP sa buong bansa, na inilaan ng Department of Budget and Management.

Katumbas ng isang buwang basic salary ang mid-year bonus na matatanggap ng mga kawani na nakapaglingkod ng hindi bababa sa apat na buwan simula Hulyo 1 ng nakaraang taon hanggang Mayo 15 taong kasalukuyan.

(TOTO NABAJA)

58

Related posts

Leave a Comment