MAGPAPAKALAT ng 36,163 pulis ang Philippine National Police (PNP) sa iba’t ibang bahagi ng bansa na magsisimula sa Marso 29, hanggang Mayo 31 para sa SumVac 2026.
Ayon kay PNP Public Safety Division chief, Col. Liza Macapinlac, ang nasabing bilang ay ide-deploy para sa seguridad ng mga bakasyonista at turista.
Bukod sa 36,163 na bilang na mga pulis na ide-deploy, may karagdagang 4,738 augmentation units at mahigit 14,000 mula sa advocacy groups.
Kabilang sa kanilang tututukan ang major transportation terminals, areas of convergence at maging ang mga simbahan.
Kasama rin sa plano ang pag-deploy ng 800 tourist police sa popular tourist destinations.
Aarangkada ang deployment sa Marso 29 at itataas ang heightened alert dakong alas-6 ng umaga sa mismong araw.
Sa kasalukuyan, walang namo-monitor na banta ang PNP pero hindi nagpapakampante ang pulisya at patuloy ang kanilang intelligence monitoring.
(TOTO NABAJA)
88 