MARAMI na ang nag-aabang sa magiging takbo ng istorya ng Maid in Malacañang. Nandiyan ang tutol at nagsasabi na babaguhin lang daw ang nangyaring kasaysayan ng paglayas ng Marcos sa kapangyarihan.
Pero mas marami ang nagsasabi na panahon na raw mapanood at malaman ng sambayanang Pilipino ang tunay na nangyari sa Marcos family noong araw na sila ay pinatalsik sa poder.
Sana lang mailagay rin sa istorya ni Direk Darryl Yap ang ibinunyag ng close na tao kay former First Lady Imelda Marcos ang naging kaganapan sa loob ng Palasyo bago lumisan ang Marcos family sa Malacañang.
Pagbubulgar nito, na may mga kilalang taong nasa loob ng Palasyo nang umalis o kunin ang Marcos family. Saksi mismo itong taong ito nang mangyari ang paglayas ng Marcos sa Palasyo.
Nandoon nakita raw diumano nito na bitbit ng kilalang personality ang branded bag o maleta na pag-aari ni Madam Imelda habang bumababa ng hagdan ng Palasyo.
Kahit hindi raw nito nakita ang laman ng bag na bitbit ng kilalang personality ay siguradong marami itong nakuha dahil mapapansin na mabigat ito habang dala-dala ng naturang personality.
Ibinulgar din nito ang mga diamond na nawala o may kumuha na pag-aari ni Madam Imelda Marcos.
Nasaan na raw ang mga ito?
Marami pang ibinulgar ang taong super close sa First Lady, hindi lang daw mga alahas at mahahalagang gamit ang kinuha sa loob mismo ng Palasyo ng Malakanyang.
Pero for sure siguradong dudumugin sa mga sinehan ang Maid in Malacañang na nakatakdang ipalabas sa August 3, 2022.
![](https://saksingayon.com/wp-content/plugins/dp-post-views/images/eyes.png)