Majority at minority bloc sanib-pwersa ‘HOUSE’ OF ROMUALDEZ GINIGIBA SI VP INDAY

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

NAGSANIB-PWERSA na ang majority at minority bloc sa mababang kapulungan ng Kongreso para gibain si Vice President Sara Duterte.

Obserbasyon ito ng isang political critic na humiling na huwag na siyang pangalanan, kaugnay ng mga pagbatikos ngayon kay Duterte.

Ayon sa kritiko, nagsisiguro na si House Speaker Martin Romualdez na una nang nabalitang may planong tumakbo sa susunod na presidential elections kaya kinukuha ang suporta ng magkabilang pwersa.

Malinaw aniyang ngayon pa lamang ay pinatatatag na ni Romualdez ang kanyang tsansa na pumalit sa pinsang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Kamakailan, nakipagpulong kay Romualdez ang ilang sectoral leaders at kinatawan ng Makabayan bloc sa Kamara para talakayin ang pag-realign sa  P2.95 billion na confidential and intelligence funds sa panukalang 2024 budget patungo sa health, education, agriculture at social services.

Sa isang larawan na nakapost sa X, kasama sa pulong sina dating party-list Reps. Rafael Mariano, Mong Palatino, Femia Cullamat at si Teddy Casino.

Kahapon ay napagkasunduan na sa Kamara na alisin ang P650 million na kabuuang confidential and intelligence funds ng OVP at Department of Education (DepEd) na parehong pinamumunuan ni Duterte.

Mismong si Committee on Appropriations Chairman at Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy Co ang naghayag na napagpasyahan ng liderato ng Kamara na tanggalan ng confidential at intelligence funds sa 2024 budget ang mga ahensya at departamento na walang direktang kinalaman sa pagbibigay ng proteksyon at kaligtasan ng bansa.

Halimbawa nito ang National Intelligence Coordinating Agency, National Security Council, Philippine Coast Guard at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

Sa ngayon, ayon kay Co ay ang OVP at DepEd pa lang ang natutukoy nilang tanggalan ng confidential and intelligence funds.

246

Related posts

Leave a Comment