Makaraang mapatay ang 2 commander 3 NPA SUMURENDER

CAMP CAPINPIN, TANAY, Rizal– Tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa pinagsanib na pwersa ng mga sundalo at pulisya noong Miyerkoles sa Sitio Minanga, Brgy.
Lumutan, General Nakar, Quezon.

Ayon kay Lt. Col. Jesus Diocton, commanding officer ng 1st Infantry Battalion, kinilala ang mga sumuko na sina Joven Retena alyas “Hamin,” Pascual Retena  Jr. alyas “Olik” at Geralyn Gurango
alyas “Bea” na kasapi sa Southern Tagalog Regional Party Committee (STRPC) KLG Narciso na nakatalaga  sa boundary ng  Laguna at Quezon.

Sinabi ni Brig. Gen. Alex Rillera,  commander ng 202nd Infantry Brigade, “looking at the possibility that these FRs will lead our troops to their arms cache after they feel our sincerity in helping them live peaceful lives and commitment to help them reintegrate to mainstream society, similar to our previous surrenders.”

Nag-udyok sa kanilang pagsuko ang pagkamatay ng kanilang matataas na  lider ng NPA na sina alyas Termo, commander ng STRPC Main Regional Guerilla Unit, at alyas Jethro, secretary ng STRPC 4C, sa  dalawang  magkasunod na engkwentro sa loob ng tatlong  araw sa Kalayaan, Laguna kamakailan, ayon kay Major General Arnulfo Marcelo Burgos Jr., commander ng 2nd Infantry
Division.

Sa kasalukuyan, 604 rebelde na ang nagbalik-loob sa gobyerno sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) at MIMARO (Mindoro, Marinduque, Romblon) na siyang nakikinabang sa programa ng gobyerno na Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP. (CYRILL QUILO)

147

Related posts

Leave a Comment