NABABAHALA ang Office of the President (OP) partikular na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa nangyaring “senseless killing” sa isang batikang mamamahayag at kasalukuyang radio commentator ng DWBL na si Percy Lapid.
Sa katunayan, sinabi ni Senior Deputy Executive Secretary Hubert Guevarra na inatasan sila ni Pangulong Marcos na tingnan ang isinasagawang imbestigasyon ng pananambang at pagbaril sa biktima, pasado alas-8 kagabi, Oktubre 3, ng hindi pa nakikilalang mga salarin na magkaangkas sa motorsiklo sa Las Piñas City.
“In fact I was in communication with certain officials who advised me that the Southern Police District has created a task force on Percy Lapid,” ayon kay Guevarra.
“We just assumed office last Tuesday but I was informed that there is a presidential task force on media security. In fact, I personally would meet with them, convene them if necessary, to advise them…to sit down with the Southern Police District and ensure that the conduct of investigation proceeds without any problem and submit to us, report to us hopefully within the next seven days.” wika pa nito.
Nauna rito, hayagan namang kinondena ng Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) ang pamamaslang kay Lapid.
Tiniyak din ng task force na kanilang hahabulin at pananagutin ang mga salarin. (CHRISTIAN DALE)
