Malakanyang pinaaaksyunan ang sumbong ng mga residente KAPOS NA FOOD PACKS PINASISILIP SA DSWD

IPINASA ng Malakanyang sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang ilang sumbong na diumano, isang beses pa lamang nakapamimigay ng relief packs sa ilang lugar sa bansa.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, sinabihan na ng IATF ang lahat ng lokal na pamahalaan na mag-realign ng kanilang pondo at ibuhos ito sa relief goods para may maibigay na ayuda sa kanilang constituents.

Bukod sa calamity fund ng mga LGU ay mayroong development fund ang mga ito na pwedeng gamitin para sa pamimigay ng mga pagkain sa tao.

Naibigay na rin ang parte ng IRR ng LGUs para sa ikalawang quarter ng taon.

Maliban dito, nauna nang sinabi ng DSWD na tuloy-tuloy pa rin ang pamimigay nila ng family food packs bilang augmentation measure sa mga LGU sa usapin ng pamimigay ng suplay ng pagkain sa mga tao.

Naibaba na rin ng DSWD ang lahat ng pondo sa mga LGU para sa Social Amelioration Program ng pamahalaan.

Dahil dito, sinabi ni Sec. Roque na wala na dapat dahilan para magreklamo pa ang mga tao na hindi sila nakatanggap ng relief packs mula sa kani-kanilang mga barangay o lokal na pamahalaan.

Pinaalalahanan din ng DILG ang mga LGU na kumpletuhin na ang pamimigay ng social amelioration cash sa kanilang constituents hanggang Abril 30. CHRISTIAN DALE

179

Related posts

Leave a Comment