MALAKI ANG TIWALA NG MGA PINOY KAY PBBM

OPEN LINE Ni BOBBY RICOHERMOSO

SA kabila ng walang humpay na pagbatikos na ginagawa ng mga kritiko sa administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos, matibay pa rin ang ­paninindigan at tiwala ng mayorya ng mga Pinoy sa kanya.

Alam kasi ng ating mga kababayan na wala naman talagang hangad ang mga kritiko kundi sirain at lahat ay gagawin nila upang mabigo sa kanyang misyon si PBBM na paunlarin ang bansa at gawing masagana ang pamumuhay ng ating ­mamamayan.

At isa sa mga katibayan na talagang popular nga si PBBM ay ang ginawang mainit na pagtanggap sa kanya ng Fil-Am community sa New Jersey, USA.

Sa mga hindi nakaaalam ay nasa Estados Unidos ngayon si PBBM para magsalita sa 77th United Nations General Assembly.

Doon ay ilalahad niya ang mga reporma at programang ginagawa ng kanyang administrasyon, hindi lamang para sa bansa kundi para na rin sa komunidad ng mga nasyon sa mundo.

Pero habang hindi pa siya pormal na dumadalo sa UNGA ay minarapat niya na kausapin at alamin ang mga hinaing ng mga kababayan natin na nasa Estados Unidos.

At habang nasa New Jersey Performing Arts Theater siya para kausapin ang mga kababayan natin, ay may hindi pa aabot sa 10 na mga alipores ni Loida Lewis na kilalang kritiko niya, ang nagsagawa ng kilos-protesta.

Subalit madali silang natabunan ng napakaraming mga Pinoy na dumagsa sa lugar mula pa sa iba’t ibang panig ng USA, para lang makita at makausap siya.

Nagpapatunay lamang ito na totoong popular at malaki ang tiwala sa kanya ng mga ­kababayan natin, maging ng mga nasa ibang bansa.

Isa sa mga dumayo sa New Jersey ay si Pennsylvania-based Dr. Rommel Rivera, ang ­pangulo ng Association of Filipino ­Physicians in America.

“We came from Philadelphia to witness the first coming of the President here in the United States. This is his first visit to the United States. Of course, I don’t want to miss it,” sabi niya.

Sinabi pa niya na halos maiyak siya matapos na magsalita si PBBM kung saan lalong tumibay ang paniniwala niya dito na pamunuan ang bansa.

“It makes me want to cry and there’s a feeling of ‘I wanna go back to the Philippines,'” dagdag niya.

Si Rolanda Galara naman na galing pa sa Irvine, California, ay talagang sinadya rin na pumunta sa New Jersey para ipakita ang suporta kay PBBM.

“We traveled from California to New Jersey because we love PBBM. We want to show him our love and support. We wanted the President to feel our love for him. He felt it today here in New Jersey,” wika niya.

Sinabi naman ni Danny Pagsambugan, isang Filipino engineer na nagtatrabaho sa World Trade Center Port Authority sa New York, na uuwi siya sa Pilipinas sa malapit na panahon para ibahagi ang kanyang expertise sa bansa matapos marinig magsalita si PBBM.

“Tell this to the President, I am going home,” wika niya.

Sa lahat ng ito ay nakikita na talagang patuloy ang malaking tiwala at mandato na ibinibigay ng ating mga kababayan kay Pangulong Marcos kaya naman sorry na lang ang mga gustong gumiba sa kanyang administrasyon.

Mabuti pa kung tigilan na ng mga kritiko ang sobrang pamumulitika at sa halip ay tumulong na lang sila na maging matagumpay ang administrasyong Marcos para na rin sa tagumpay ng ating bansang Pilipinas.

Pero sa klase ay hindi papayag ang mga kalaban ng gobyerno na magtagumpay si PBBM sapagkat hindi naman para sa bayan ang kanilang ipinaglalaban kundi ang kanilang sariling interes lamang.

308

Related posts

Leave a Comment