MALUNGGAY MUNGKAHI NI IMEE LABAN SA MALNUTRISYON

SUPER FOOD na maituturing ang malunggay na makatutulong para maibsan ang malaking problema ng malnutrisyon sa Pilipinas.

Ito ang sinabi ni Senador Imee R. Marcos kung saan nasa 33.4% ng mga bata na may edad lima pababa ang malnourished o patpatin.

Ayon kay Marcos, dahil sa kulang sa nutrisyon, napipigilan ang pagtangkad at halos 30% na mas maliit ang utak ng bata sa habambuhay.

Ito aniya ang dahilan ng inilunsad niyang #Imeelunggay project bunga ng high demand ng malunggay sa bansa dahil masustansya ito at pampalakas pa ng immune system at nakatutulong sa mga breastfeeding mother.

“Malunggay has 50 times more vitamin B2 than bananas, 50 times more Vitamin B3 than peanuts, 36 times Magnesium than eggs, 25 times more iron than spinach, 7 times more vitamins than oranges, 4 times more calcium than milk and 4 times more vitamin A than carrots and 3 times more vitamin B than pork,” ayon kay Marcos.

Bunsod nito, inilunsad din ni Marcos ang pagtatanim ng malunggay sa iba’t ibang bahagi ng bansa bilang handog sa taumbayan sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan noong Nov. 12.

Unang pinasimulan ang #Imeelunggay planting activity sa Cebu kung saan namahagi ang grupo ng senador kasama si Consolacion Mayor Joannes Alegado ng malunggay cuttings sa urban poor beneficiaries.

Ayon kay Marcos, chairman ng Senate committee on economic affairs, may 35,000 malunggay cuttings ang ipamimigay nang libre sa mga residente ng Cebu bago matapos ang taong kasalukuyan. (NOEL ABUEL)

500

Related posts

Leave a Comment