MANDALUYONG JUDGE SWAK SA KASO

Pinapanagot sa paghawak sa P23-B SPPC case

IREREKLAMO sa Korte Suprema at posibleng kasuhan pa ng usurpation of authority ang isang judge sa Mandaluyong Regional Trial Court dahil sa paghawak sa P23.9 Billion case na isinampa ng South Premier Power Corp (SPPC) laban sa Power Sector Assets and Liabilities Management (PSALM).

Ito ang nabatid kay Anakalusugan Rep. Mike Defensor, chairman ng House committee on public accounts na nag-iimbestiga sa P95 billion utang ng mga energy sector player sa PSALM.

Sa pagdinig ng komite ni Defensor, hindi nagustuhan Leyte Rep. Vicente Veloso III ang paghawak ng Mandaluyong RTC Branch 208 sa kasong isinampa ng SPPA gayung ang tanging may hurisdiksyon sa kaso ay ang Energy Regulation Commission (ERC) base sa Republic Act (RA) 9135 o Electric Power Industry Reform Act (EPIRA).

“RTC judges should not entertain such petitions. I will bring up this matter of intervention with the Supreme Court,” ani Veloso na dating Justice ng Court of Appeals (CA).

Tinukoy ni Veloso ang Section 43 ng EPIRA Law na nagsasaad  na ang ERC “shall have the original and exclusive jurisdiction over all cases contesting rates, fees, fines and penalties imposed by the ERC…and over all cases involving disputes between and among participants or players in the energy sector.”

Dahil sa nasabing kaso, ipinatigil ng korte ang paniningil ng PSALM sa SPPC mula noong 2015 kaya umaabot na umano sa P23.9 billion ang utang ng nasabing kumpanya.

Nilektyuran din ni Veloso ang abogado ng SMC na si Atty. Jupiter Cabaguio kung bakit nagsampa ang mga ito ng kaso sa local court gayung maliwang sa EPIRA na ang ERC ang may hurisdikyon nito.

Nilinaw naman ni Defensor na ang imbestigasyon nito kasama ang committee on good government ay para tulungan ang PSALM na masingil ang utang ng mayayamang negosyante.

“Our inquiry is principally in aid of legislation, though we at the same time want to help the executive branch to collect this huge amount of receivables,” ani Defensor. BERNARD TAGUINOD

184

Related posts

Leave a Comment