NAGBABALA si Senador Francis Kiko Pangilinan sa mga magtatangkang magnakaw o hindi gamitin nang maayos ang P33 bilyong pondo para sa farm-to-market road (FMR) program.
Sinabi ni Pangilinan na babantayan at agad nilang papanagutin ang mga masasangkot sa anumang uri ng katiwalian sa mga proyekto para sa mga magsasaka.
“We have put in place several safeguards para talagang matiyak na walang magiging korapsyon. At sana, palagay ko naman itong pakiusap rin natin at siguro warning na rin na tayo mismo bilang chairman of the Committee on Agriculture, hindi tayo papayag sa kalokohan,” pahayag ni Pangilinan.
“Babantayan natin yan. Kaya sabi nga, wag na nila subukan dahil makakatikim sila. Papatawag natin sila sa Senado. Pagpapaliwanagin natin sila. Isu-subpoena natin sila kung kinakailangan kapag nakita natin na may mga kalokohan,” dagdag ng senador.
Bukod anya sa mga inilatag na safeguards, nangako ang Department of Agriculture na ibavalidate ang actual project cost, gayundin ang detailed engineering design kasama na aprubadong budget para sa kontrata.
Nanawagan din siya sa publiko na maging vigilante sa pagbabantay sa mga infrastructure projects.
“Kaya panawagan din sa ating mga nasa LGU, sa private sector, ang ating mga citizens groups: ang ating tanggapan ay tanggapan ninyo sa pagbabantay. Let us know kung may mga hindi impormasyong hindi tama ang pag-implementa,” dagdag ng senador.
(DANG SAMSON-GARCIA)
54
